lagi ka namang ganyan eh! inaaway mo nalang ako lagi.. buti nalang madali lang ako mag-forgive.. kasi kung hindi.. ewan ko lang.. baka paliguan kita ng isang bucket ng chocolate! take note: hot chocolate ng McDo tuwing breakfast..!
ba’t mo naman ba ako inaway??? wala ka na naman sa mood?! eh anong pakialam ko sa mood mo at bakit mo ba ako dinadamay, huh?! napagtripan mo na naman ako. BAD TRIP o.. kagabi kasi sinabihan mo akong korni.. eh.. kung korni ako ba’t ka ba naman tumawa-tawa sa mga jokes ko! ano!!?? magsalita ka! eh tuloy nagalit ako.. nag-sorry ka tuloy.. at binawi mo pa agad yung sinabi mo.. pero sa bandang huli.. sinisi mo na naman ako dahil namis-interpret ko na naman yung sinabi mo! NAGPAPALUSOT KA PA! buking ka na no! ang sarap mo talaga batukan last night! buti nalang ‘di tayo magkasama.. at buti nalang wala akong perang pang-taxi para sugurin ka at sabunutan sa kilay! darn.. buti nalang at broke agad ako kahit kakasweldo ko pa lang.. mabuti nalang talaga at sinuwerte ka na naman kagabi.. hoy! ba’t naggagalit-galitan ka ngayong umaga!?? galit ka dahil di ako nakapagreply sa "IM SORI." mo??? huy… take note: hindi po ako naka-avail sa promo ng smart kagabi! yung promo ni pacman na unlimited text + 5 mins call for one whole day! hindi po ako naka-avail nun.. at wala akong load.. kaya.. MANIGAS KA!! napraning ka sana sa kaiisip kagabi at hindi ka sana nakatulog ng mahimbing.. para sa ngayon, super duper maga ang eyebags mo! ngayon.. ba’t ka di nagtetext?? guilty ka siguro.. GUILTY!
pero sana magtext ka na.. kasi pinapatawad na kita.. hindi ko alam kung namisinterpret lang talaga kita at nag-over react ako o tama lang naman talaga ang ginawa ko sa’yo! sabi mo kasi hindi lang kita naintindihan at sobrang init lang ang ulo ko.. eh, nakonsensya tuloy ako ngayon.. ha ha.. magtext ka na kasi gusto kung manood ng SCARY MOVIE 4.. wala kasi akong kasama..oo, ililibre kita.. kahit sa SUPERMAN pa.. kaya peace na tayo.. okay? go na! magtext ka na!
